Narrator: Sa pag-iisa ni Romeo.
Romeo: Mahaba ang malungkot na mga oras. Walang paglingap ng aking minamahal. Ganito ang pag-ibig kong walang pag-ibig na nadarama. Pakitaan ako ng isang babaing labis na marikit Di bat ganda nito'y isa lamang pantawag ng isip.
Narrator: Sa pag-isa ni Juliet. Kinakausap ang saril.
Juliet: Pag-aasawa'y isang karangalang hindi Ko pinapangarap. Bata pa sa gulang kong labing-apat, banggit ni ina, Sino si Paris? Isang lalaki raw na guwapong-guwapo Maiibig ko ba ang ginoo. Hangad ng magiting na ito, ang pag-ibig ko. Sa piging mamayang gabi, Siya y makikita ko. Sa pagbasa ng aklat ng Kay Paris na mukha, Sana nga ay matagpuan ang itinitik ng kagandahang tuwa.
Narrator: Nagsimula na ang kasiyahan sa bulwagan. Naroon din si Juliet na nakikipagsayawan. Darating si Romeo at makikita niya si Juliet sa hanay ng mga babaeng sumasayaw.)
Romeo: Parang puting kalapating kasama ng mga uwak Ang binibini ko sa piling ng mga hamak. Pagkatapos nitong sayaw titingnan kung saan siya uupo, Mabibindita ang kamay kong magaspang pag ang kaniya ay nahipo, Puso ko ba'y mayroon nang minahal? Itakwil mo, mata, Pagkat ang tunay na ganda'y ngayon ko lamang nakita.
Narrator: Makikita ni Tybalt si Romeo.
Tybalt: Tiyo, ito ay ating kaaway na isang Montague: Isang buhong na dahil sa galit naparito, Upang libakin ang kasayahang ito.
Capulet: Siya ba ang batang si Romeo?
Tybalt: Siya nga, si Romeong buhong.
Capulet: Parang maginoong tunay ang mga kilos niya, Dahil sa taglay na dangal at kilos niyang sakdal buti. Kahit ibayad sa akin ang yaman ng buong bayan, Hindi ko siya sisiraan sa aking tahanan. Kaunting tiyaga, huwag mo siyang pansinin.
Tybalt: Pag ang pasensiyay pinilit kong pumigil sa galit na pag-ayaw, Nanginginig sa tagisan ang lahat kong mga laman. Ako ay aalis; subalit ang ganitong panghihimasok Na ngayoy waring matamis ay magiging mapait na lubos.
Narrator: Lalabas si Tybalt at Magtatagpo ang paningin nina Romeo at Juliet
Romeo: Kung lapastangan ng kamay kong hindi marapat, Ang iyong dambanang banal, ang parusang ilalapat Ang mga labi kong dalawa'y namumulang mamamakay Ay handang hagurin ng halik ang ginaspang ng aking kamay.
Juliet: Mabait na mamamakay, ikaw ay nagkakasala Sa kamay mong mabuting kilos ang nakikita; Mga santo'y may kamay na hinihipo ng may-pakay: At ang pagdadaop-palad ay parang halikang banal
Romeo: Kung gayon, santa ko, bayaang gawin ng labi ang gawain na pangkamay! Sila ay dumadalangin upang ang paniniwala ay hindi mamatay. (Hahalikan ni Romeo si Juliet.)