Mahal mo pa ba ako talaga? O nasanay ka lang na tayong dalawa? Nahihirapan ako, sumisikip ang dibdib ko. Hindi ko na kasi maramdaman na mahal mo padin ako, na parang akala mo ayos padin ang lahat. Hindi ko na magawang masabi ulit yung nararamdaman ko kasi pano ba naman, nakakapagod din pala na paulit ulit kang paliwanagan. Hindi ko alam kung mahalaga pa ba ako sayo. Hindi mo na matandaan ang mga maliliit na bagay na nakakapag bigay sakin ng kapayapaan sa aking isipan. Makikinig ka lang sandali pero ganon naman ulit. Parang wala ng nababago, ikaw nalang. Ikaw padin kaya yung minahal ko, na minahal ako?