Magandang araw sayo, una gusto kong mag pasalamat sa paglalaan ng oras upang basahin ang libro na ito nawa'y maintindihan ninyo ang layunin ng libro na ito.
Nawa'y sa pamamagitan ng librong ito ay magkaroon ng pagkakaintindihan sa bawat nararamdaman ng bawat isa. Nang sa gayon ay maiwasan ang panghuhusga bagkus mangibabaw ang pagintindi
Hindi sinasabi ng libro na ito na tama ang ginagawa ng bawat tao, bagamat nilalahad nito ang iba't ibang nararamdaman ng bawat tao.
Muli ako si Andrei Jimmuel A. Felipe, na nag nanais na ikaw ay matuwa at may mapulot na aral sa pagbabasa ng libro na ito...
Ang buhay ng tao ay isang pagkakataon na iyong mararanasan ang hirap, saya, lungkot, at galit. Na kung minsan innaakala natin na tayo o ikaw na mismo ang may pinaka mahirap na problema o hindi kaya naman ang may pinaka masayang araw, o pinaka malungkot na sitwasyon sa buhay.
Ngunit sinubukan mo na ba o nating tignan ang ating paligid nasubukan na rin ba natin harapin o pag daanan yung mga pinag daanan ng ibang tao. Nasuot na din ba nating ang sapatos na suot nila?
-
Bilang isang bata ikaw ay nararapat na maranas ng maayos na pamumuhay. Ngunit sa kabilang ng mga pag subok na nararanasan ng bawat isa o sabihin na nating mga magulang natin, hindi lahat nabibigyan ng sapat o maayos na pamumuhay, May ilan na talagang biniyayaan ng yaman habang sa kabilang banda mayroon din namang sapat lamang...
Dumako tayo buhay ng isang batang nabubuhay sa sapat na estado ng buhay. Aking naalala na may panahon sa aking buhay kung saan nakakita or nakaranas ako na mag karoon ng kaibigan na walang kakayahang bumili ng bagay na gusto nila dahil sapat lamang ang kinikita ng kanyang mga magulang para sa kanilang pang araw araw. Nakita at naintindihan ko kung bakit madalas ay may pag kakataong sya ay nang hihiram o nanghihingi ng mga bagay na kanyang makikita lalong lalo na kung napapanahon ito. Yung tipong makikita mo sa kanya na minsan napapaisip o napapatanong ito " bakit ganun hindi ko kaya, o hindi ko makuha yung mga bagay na gusto ko". Na minsan inaakala natin pinag dadamutan na tayo ng mundo. Na madalas ay minamasama pa natin ant sinisisi ang mga magulang bakit nangyare iyon. hindi ko sya masisisi ung bakit kung minsan ay naiisip nya ito. Marahil talagang may kasalan ang kanyang mga magulang o maaring hindi lang din talaga kasama sa pangunahing pangangailang kung kaya't hindi ibinibigay. Ngunit makikita natin na sila pa yung mga tao o batang marunong makuntento dahil alam nila na may tamang panahon para maranas ito.Hanggang sa tayo ay mapapaisip nalang na " Ang swerte ko pa rin pala nung bata ako dahil hindi ko naranasan yung mapagdamutan o mahirapan na makuha ang gusto ko". Minsan talaga makikita o maappreciate natin kung ano ang meron satin kapag nakita natin itong wala sa iba. Kaya dapat kapag meron tayo maging masaya tayo, at kung darating naman ang panahon na sakto lang tayo magpasalamat pa rin dahil nakakaraos o nalalagpasan natin ang problema sa araw na ito. Isa pang natutunan ko sa batang ito ay magpasalamat sa may likha sa pag dilat palamang ng ating mata, tama naman isipin natin masilayan palang ang mundong nilikha isang biyayang d na matumbasan higit pa sa milyon ang halaga nito. Kasi talagang minsan kung ano pa yung maliit na bagay sa atin syang malaking biyaya sa iba.
Samahan lamang ng tyaga sa buhay. Sa totoo lang yung mga taong aking nakilala na ganto ay ngayon mayroon na silang mga kanya kanyang sasakyan. Mayroong magaganda ang motor, sasakyan, at habang ang iba naman ay mayroon ng sariling bahay
Habang sa kabilang banda nariyan naman ang mga batang nakakaranas ng karangyaan or kaginhawaan sa buhay ay minsan sila pa ang nang aabuso. Ano nga ba ang nagiging dahilan nila?.
Isa sa mga dahilan na nakita ko bilang isang mahirap o may sapat na pamumuhay ay kakulangan sa atensyon ng kanilang magulang. May pagkakataon na makikita mo rin na kung sino pa ang kontrabida at sya din palang bida sa kwento ng buhay nila?. Paano? Sa isang pag subaybay ko sa isa sa mga nakasama kong lumaki ay natanong ko sya. "May dahilan ka ba or ano yung dahilan bakit mo nagagawa yan?". Tanging tugon nya lamang ay "Dahil masaya". Habang kami ay papauwi na sa aming kanya kanyang bahay nakita ko na kapag sya ay papalapit na sa kanilang tahanan nag iiba ang kanyang katauhan. Siya ay nagiging isang mabait at maamo na bata. Hanggang sa aking malaman na sobrang strikto ng kanyang mga magulang na kung minsan ay napapabayaan na sya. Na kung minsan wala ng oras para siya ay kamustahin o kausapin dahil abala ang mga ito sa kani-kanilang mga trabaho.
Matapos ang araw na iyon aking naintindihan na ang tanging kailang na aking munting kaibigan ay atensyon at pakikisama. Matapos ang araw na aking napag tanto aking kinausap ang aming ibang kaibigan na sya ay intindihin na kung bakit minsan ay wala syang pakiaalam sa kung anong salita ang mga lumalabas sa kanyag bunganga o hindi tama ang mga aksyon na kanyang ginagawa. Simulan noon mas naging malalim ang aming samahan dahil naintindihan na namin na may dahilan kung bakit sya nag kakaganun.
Habang ako ay tumatanda at nagkakaroon ng maayos na pag iisip, iba't-ibang klase ulit ng tao ang aking mga nakasalamuha. Punta tayo sa teenage life kung saan sinasabing "highest peek" ng buhay ng isang tao. Sa buhay ng isang high school student or ng tao nasasabi o nakikilala kung sino at ano ba talaga ikaw. Dito nakikita at nasusukat yung bilang ikaw bilang estudyante, anak, kaibigan, o kakilala. Umpisahan natin sa mga teenager na maayos makisama or yung masasabi mga nakapaligid na matino sya, Isang estudyante ang aking nakita sobrang bait na bata mapa eskwela, bahay o sa pakikisalamuha sa isang grupo. nakita ko na kung minsan sya din ay nabubully na sya, inaasar na sya pero hindi ko sya nakitang gumanti o sumama ang loob bagkus pinakikisamahan pa rin nya ito ng kabutihan. Hanggang sa dumating sa araw na tinanong ko na siya kung bakit ang haba ng pasensya nya sa mga nag mamasama sa kanya tulad ng mga taong nang aasar sa kanya. Sumagot ito sa'kin ng. "Dahil tinuruan ako ng aking magulang na wag makikipag away o papatulan lalo kung wala namang mapapala, wala kang dapat patunayan. Mas nananalo ang nanahimik dahil nag iisip kumpara sa mga tao na panay kuda". Sa sinabi ng bata na yun may napag tanto lamang ako. Na totoo nga hindi mo kailangan ibaba yung sarili mo para masabing matapang o lumalaban ka, hayaan nalang natin yung ibang tao na humugas para sa kanila. Hindi mo kailangan patunayan yung sarili mo sa iba. Minsan mas umaayon sa atin kapag kalmado lang tayo. Kumbaga sige pakitaan nila tayo ng kasamaan suklian nlang natin sila ng kabutihan malay natin sa mga susunod na araw makuha nila yung pag uugali na meron ka in, kumbaga eh naka tulong ka pa kasi naging dahilan ka para maging maayos yung iba.
Kasi isipin natin hindi lahat nabiyayaan na magkaroon ng maayos na paningin o makakita, pero swerte ko, o swerte mo kasi nabigyan ka o patuloy mong nasisilayan ang napaka gandang mundo. Aminin na nating hindi wala tayo sa pinaka maayos na estado ng buhay pero maging masaya pa rin tayo sa mga bagay na ating natatanggap.
Maliban sa isang tao na ito, mayroon pa isang klase ng tao na makikilala natin. Halika't kilalanin na natin sya. Siya naman ang tao na nasa kahirapan o sapat na pamumuhay lamang pero hindi lamang sya mabibo. Kundi minsan nagiging sobra na din ito sa pagbibiro. Na dumadating sa puntong nakakasakit na sya ng emosyon at pisikal sa tao. Ngunit para sa kanya normal lamang ito at walang nag lalakas loob na sabihin sa kanya. Dahil ayaw din nilang masaktan o maramdaman niya na ayaw nila sa ginagawa nila. Pero kasi sa mundo ng tao, pano mo malalaman ang resulta ng isang bagay kung hindi mo susubukan. Kaya sa nakaka basa nito sasabihin ko sayo subukan mo ang mga bagay na gusto mong gawin upang malaman mo kung anong magiging resulta, diba?. Kung maganda ang resulta eh di okay!. Kung hindi naman eh di humingi ng pasensya kung may nasaktan. Muli subukan upang malaman kung ano ang resulta.
Ang susunod na makikilala natin ay ang mga taong nakakaranas ng kasarapan o kaluwagan sa buhay, yung mga taong kayang bilin kung anong gusto nila sa isang sabi lang. Sa totoo lang wala namang pinagkaiba o inilayo sa mga taong nasa sapat na pamumuhay maliban lamang sa mayroon silang kakayahan na bilin ang gusto nila. Mayroong mga may kaya o mayayaman na inaabuso ang estado sa buhay at ginagamit ito sa maling paraan. Kung minsan ay nakakaapak nalang sila ng tao.
Sa totoo lang nagkaroon na rin ako ng pagkakataon na makakilala ng ganitong uri ng tao. Kung saan nalaman ko ang dahilan kung bakit sila nag kakaganun. Una sa dahilan ng mga taong nang aabuso ay sa kadahilanang, hindi nila naranasan na makaramdam o sabihin nalang nating hindi sapat yung naramdaman nilang kalinga sa kanilang mga magulang na dahil sa naging pangalan ng kanilang pangalan o pagkakakilalan sa kanilang magulang ay ginagamit nila ito sa hindi magandang pamamaraan at dumadating sa puntong dahil doon ay hindi na nila nakikilala ang kanilang mga sarili at nakakagawa ng hindi tama. Lalong lalo na sa pag dedesisyon nila dahil nga mayroong kulang sa kanya. Nakakatawa mang iisipin na oo sa estado ng buhay eh hindi naman nagiging malaking epetkto ito. Ngunit hindi pa rin sapat na maging dahilan upang gamitin ang estado o kakayahan sa buhay para gumawa ng masama. Pero iba iba parin ang mga tao, maaring pakinggan nila ang iyong mga sasabihin, o maaari ding hindi nila ito pansinin at hayaan lang ito. Pero isipin nalang natin na para sa kanila din iyon. Hindi man nila pansinin o sundin ang iyong payo ang mahalaga ay iyong sinubukan na hikayatin sila sa tamang landas. Aminin natin minsan pag tayo ay nakakaangat sa buhay may mga tao tayong nakakalimutan o napapagmataasan ng hindi natin alam kaya minsan maging mapanuri tayo sa mga salitang sasabihin natin sa kapwa natin dahil hindi din talaga maiiwasan na makapag salita. Hindi ko din sinasabing iniinvalidate yung mga taong kung minsan na hindi na nila mapigilan, bagkus kung kaya natin iwasan ating iwasan.
Sa buhay ng tao ang pagiging teen ager ang isa sa pinaka masaya na parte ng buhay mararanasan mo ang iba't ibang estado ng buhay. Mararanasan mong sumaya, malungkot, magmahal at syempre masaktan. Kung minsan may iilan din na makakagawa ng hindi maganda dahil sa pinag dadaanan nila o dahil lang gusto nila maransan at naimpluwensyahan ng kaibigan. Halina't silipin natin ang iba't ibang dahilan sa kabilang ng kanilang karanasan.
Unahin na nating ang pinaka masayang parte ng teenager ang mainlove. Para sayo ano nga ba ang pag-ibig?. Simple lamang, ang pag-ibig ay ang pinka makapangyarihang aspeto sa mundo bakit?. Dahil aminin natin dahil sa pag-ibig kinakaya ng isang tao gawin ang mga bagay na dati ay hindi nila kayang gawin. Aminin natin halimbawa nala lamang ay, hindi ka talaga naman nag huhugas ng plato noong panahon na wala ka bang pag-ibig o hindi mo pa nararanasan mag mahal ngunit nung ikaw ay umibig biglang ikaw mismo sa sarili mo napansin mo na bigla mo nalang itong ginagawa. Kaya masasabi kong pag-ibig ang pinaka makapang yarihang aspeto ng buhay. Halina't tukuyin at kilalanin ang mga taong nakaranas ng iba't ibang paraan o pakiramdam ng pag mamahal.
Una na jan ang mga taong biglang nalang nag karoon ng pag babago sa kanyang pamamaraan ng pananamit or pakikisalamuha sa tao. So itong taong naman na nakilala ko ay madalas wala syang pakialam o hindi nya iniisip kung naayon ba yung pananamit nya tuwing pupunta sya sa isang pagsasalo salo o pagtitipon. Taon ko na syang kilala ngunit sa loob ng taon na yun hindi ko masabi sa kanya pero kahit anong sabi ko eh ayaw niyang pansinin katwiran niya eh, dito ako komportable. Hanggang sa hinayaan ko nalang dahil nga komportable sya maaring dun sya nakakakuha ng kompyansa upang maipakita kung sino sila. Hanggang sa dumating yung araw na mayroon siyang nagugustuhang isang babae, at ako ay tinanong nya "ano kaya ang maari kong gawin upang mapansin ako ni (ate girl)". Hanggang sa naisip ko na ayun na yung pagkakataon ko para maipayong muli ang pag aayon ng kanyang kasuotan. Dahil isipin nalang natin na sa panahong mainit nag susuot pa rin sya ng jacket. Sa panahon na tinanong nya yun ginamit ko na yun para maipaliwanag ng hindi ako makakasakit ng nararamdam. At tinanong nya na nga ako kung ano ang pwede nyang gawin or baguhin, isang bagay lang din ang ipinayo ko, syempre bilang isang kaibigan tinanong ko muna sya kung wala ba syang napapansin sa sarili nya. Ang naging sagot nya eh "wala naman ah ganun pa din may bago ba?". Syempre ako'y napailing hanggang sa aking ipaintindi sa kanya na may mga bagay na minsan talaga hindi natin namamalayan na may mali satin o may mga bagay na hindi na aakma sa atin, hanggang sa sinabi ko nang minsan iaayon yung damit nya na oo naiintindihan ko na doon sya komportable pero minsan hindi maganda tignan, kung saan nangyayare sayo ngayon. Sabay biro ng "Mala'y mo hinihintay ka lang nyan magbago gusto ka pala", at parehas kaming napatawa.
Mula nung araw na iyon nabago ang kanyang pananamit sya ay nag umpisang mag pagupit, sabihin na nating talagang nag pa-gwapo at pumorma na sya ng maayos. At hindi nga din tayo nag kamali sya ay gusto din nung babaeng kanyang nagugustuhan. Minsan talaga kailangan lang natin ng isang lugar o yung sinasabing habitat para mag grow. Dahil sabihin na nating sige nag iimprove o nag kakaroon ng magandang pagbabago sayo. Pero may limitasyon at hindi ka makikita ng iba. Dahil nasa maling tirahan ka. Kung kaya't minsan kailangan lang natin hanapin kung saan nga ba talaga tayo nararapat upang lumabas ang tunay o buong potensyal natin.
Ang susunod naman na ating makikilala ay posibleng marami ang maasar sa inyo dito dahil kung merong mabait na kagaya na nauna. Syempre hindi kumpleto ang kwento ng walang kontrabida kaya dapat ipakilala na ba natin sya???. AHAHAHAHA, pero sige tutal makikilala't makikilala naman natin sya umpisahan na natin to. Ito namang ang sasabihin o ipapakilala nating biglang PILYO. Oo tama kayo ng nabasa merong taong talagang napaka pilyo pero, halina't kilalanin natin ang mga taong nasa likod ng mga pagiging pilyo.
Bakit nga ba nagiging pilyo ang mga tao, minsan may mga dahilan talaga na akala nila, pero madalas akala lang nila HAHAHAHA. Balik tayo sa kwento syempre hindi magiging kumpleto ang kwento kung hindi natin makikitang naging mapanakit ang isang pilyo. Pero aminin natin na ang mga pilyo ay mga paasa din na kung minsan ay nakakasakit na din sila. Lalong lalo na sa mga pag kakataon na nalaman nilang may isang tao na nag kakagusto sa kanila, ito ay kanilang aabusuhin at kung minsan ay pagsasamantalahan pa ang kabutihang ipinapakita ng isang taong mayroong pag tingin sa kanila.
Sa parteng ito ng kwento na ito ay makikilala naman natin ang isang taong pilyo na nagbago. Halina't alamin natin ang kwento sa likod ng isang taong sobrang pilyo. Isang taon sa pag aaral natin sa mataas na antas ng edukasyon o ang tinatawag na "High School", ay talaga namang mayroong sobrang gwapo o maganda o di naman ay maitsura tayong makikita, ngunit ang isang makikilala natin ay mayroong malalim na dahilan sa kabila ng kanyang pag uugali.
Pakilala nalang natin sya sa pangalang Allisson, madalas nasasabihan syang mayabang dahil siya ay nasa mayamang estado ng pamumuhay na kayang bilhin kung ano ang kanyang gustuhin, hanggang sa inaakala niyang pati ang mga babae ay nagkakagusto sa kanya, na ang totoo at hindi nya alam ay naiinis na ang mga ito sa kanya. Isang araw habang si Allisson ay ang lalakad sa loob ng kanilang kampus, mayroon siyang nakitang babae, na sobrang ganda, na talagang mapapa lingon ka ng dalawang beses kapag nakita mo. At agad siyang napangiti dahil nag tagpo ang kanilang mga mata at nagbigayan ng ngiti sa isa't isa. Kung kaya't agad inakala ni Allisson na may ibig sabihin ang ngiti na iyon. Mula ng araw na iyon lagi syang nagpapapansin sa magandang binibini na iyon, sa kadahilanang inaakala nya nga na gusto sya nito. May mga araw na nagkakasama sila at nag kakausap kaya lalong inaakala ni Allisson na gusto sya nito. Hanggang sa ilang linggo na ang nakakalipas si Allisson ay nagtataka bakit tila parang hindi nag babago ang pakikitungo ng binibini. Bakit nga ba ganun mag isip ang ating pangunahing karakter. Ganito kasi yan dahil nasanay sya na makalipas ang ilang linggo may babaeng aaminin sa kanya na gusto sya nito. Ako ay napaisip bakit nga ba nagiging ganun ang pag iisip ng ating bida. Sa totoo lang may mga ganitong tao na rin akong nakasalamuha, aminin natin na minsan o lalo na kung hindi natin sila kilala maiinis at maiinis talaga tayo sa kanila, na para bang akala mo eh kung sino para gustuhin ng lahat. HAHAHAHAHAH, pero balik tayo sa mga taong naka salumuha natin na ganito tayo ay napapaisip bakit nga ba sila ganon o ganito. At ating mapagtatanto na isa sa dahilan eh dahil sa kakayahan nila o estado sa buhay, minsan dahil sa mga narating ng mga magulang eh nagkakaganun ang isang tao, na akala nila kaya na nilang kunin ang bagay na gusto nila. Pero kung tutuusin wala pa naman din silang napapatunayan, ngunit hindi ibig sabihin nun na kailangan na natin silang kagalitan, intindihin natin sila mala'y natin ikaw o ako pa ang maging dahilan para sila ay magbago na ang tanging kailangan lamang ay tamang pag papayo. Gaya nga ng sabi sa unang kabanata ng libro, ating kilalanin at intindihin ngunit hindi ibig sabihin na tama ang kanilang ginagawa.
Minsan sa buhay ng isang tao marami tayong matutunan sa totoo lang hindi natin alam na kapag napakinggan natin yung kwento ng buhay nila eh dun pala tayo matatauhan. Halimbawa nalang na kung minsan akala natin okay tayo pero pag nakarinig tayo ng kwento ng iba marerealize natin na hindi din pala may mga bagay pa pala tayong dapat na gawin upang masabi natin na okay na tayo.
Alamin naman natin ang buhay ng isa sa mga taong nag bigay ng dahilan upang masabi ko na marami pa pala akong dapat na matutunan para masabi kong okay na ako. Yung tao na ito ay sobrang sipag,matyaga at sabihin na nating kayang gawin ang lahat. Na akala ko ako na ung sitwasyon na yun pero nung merong pagkakataon na naging magkasama kami hindi man ganun katagal pero sapat na pero kapulutan ng araw. May isang araw na magkasama kaming nag lalakad sa kalsada nag kwekwentuhan kami na "bakit ganun minsan kahit ginagawa ko lahat pakiramdam ko kulang pa rin o d pa rin sapat." Bigla nyang sinabi na " Mahirap din na magaling ka sa lahat, kasi inaasahan ng mga tao na kakayanin mo kahit deep inside d mo na kaya". At dahil dun may sumagi sa isip ko na tama nga naman hindi magandang maging isang perperktong tao dahil kung nakikita mo sarili mo na ikaw a perpekto ibig sabihin hanggang dun ka nalang habang yung ibang kasabayan mo eh patuloy na natututo o nag iimprove.