ang galing. kakauwi lang from 2 days staycation tapos ganito no? sigurado feeling mo nanaman ang babaw babaw ko, maliit na bagay pinapalaki ko.
bago tayo umuwi, ilang beses ba kitang sinita sa kaka cellphone mo? dalawa? tatlo? tapos pangilan beses na bang ganitong issue? pangalawa?
pag nagkakabati kasi tayo parang nakakalimutan mo na. parang nakakampante ka kasi magiging okay naman.
sabi mo ayaw mokonh nakikitang umiiyak pero pang ilan na to? nakakasanayan na nga lang ata natin. tapos anong iniisip mo? umiiyak ako para mag paawa na parang ikamamatay ko? hahahaha sorry ah, di ko na to makakalimutan na linyahan mo.
by, hindi ko na alam. feeling ko go with the flow nalang relasyon natin. walang goal, walang direction. nakakatakot.
sorry kung iyakin ako. ang bilis ko kasi mag self pity. lahat na pinagdududahan ko lahat na pakiramdam ko mali. siguro kakasanayan nalang natin tong ganito hanggang may mapagod satin.