Akala mo siguro nagselos ako kaya ako nagagalit no? ang babaw ko nanaman sa paningin mo.
Naalala mo nung nag away tayo ng malala, sabi mo " Di mo kailangang isipin Sarili mo kasi ako bahala sayo, di ko kailangan isipin Sarili ko kasi ikaw bahala sakin". masyado ko ata tong dinibdib hahahaha. akala ko ilalagay natin isat isa as priority.
kaso feeling ko minsan naseset aside moko. pag inuuna mo yung iba o may ayaw kang gawin.
halimbawa ngayong araw, pinauna mo lahat nung nakapila sa kabila bago ka pumasok. anong reason mo? nauna sila? ganun ba pag dalawa yung pila? akala ko alternate yun :). Okay let's say babae mga yun, naging 'gentleman' ka lang. pero naisip mo ba na "ay hala, yung girlfriend ko nasa likod ko. nag aantay din makapasok" diba? parang sige okay lang na mag antay ako makapasok lang yung mga nasa kabilang pila? mababaw? pero kasi yung thoughts na "ay ganun? okay lang na mauna sila. magaantay nalang kami ng girlfriend ko na makapasok sila?" sana maisip mo din na "kailangan ko makapasok kasi nakasunod sakin girlfriend ko"di ko alam kung magegets mo to or iisipin mo lang na ang babaw babaw ko.
isa pa, nung team building nyo feeling mo tinotopak lang ako nun kaya pati sayo nagagalit ako? nakakagalit kasi parang okay lang sayo na matulog sa sahig walang unan o kumot. parang yung naging dating sakin is "ah okay lang sa kanya na patulugin ako sa sahig na kahoy na walang unan o kumot keso ipaglaban yung pwesto namin" parang ganun. Like, tayo nauna dun diba? alam nung mga nauna din dun. so hinayaan mo nalang nung nakita mong inagaw nila yung pwesto dapat natin. so paano na tayo? siguro sayo okay lang na matulog sa sahig pero hahayaan mo lang din na matulog ako dun? kasi kung ako yun di ako papayag. Umakyat nga agad tayo para makakuha ng pwesto tapos hahayaan mo lang makuha nila? kung ako lalaki satin makikipagsagutan ako dun kasi di kita hahayaan matulog lang sa sahig sa walang unan, kumot o banig. okay lang sana kung nahuli talaga tayo eh o kung lahat talaga matutulog sa sahig pero di naman.
Siguro sayo mga simple at maliliit na bagay lang yun, pero yung thoughts kasi no?
Syempre, may mga pagkakataon din na nararamdaman mo na sineset aside kita, feeling mo di kita inuuna pero sana nagrereach out ka din no? para nalalaman ko. kasi mamaya sabihin mo nanaman " pero pag sayo ginawa parang ikamamatay mo" linya mo talaga to eh. di ko na yan nakalimutan no :)
syempre may sumbat ka nanaman " di ka rin naman nagsasabi, ano huhulaan ko" nakakapagod kasi by pag paulit ulit. di ko alam pero pag naguusap tayo ng seryoso parang di tayo nagkakaintindihan. tumitigil nalang tayo para tapos na yung usapan.