Offline Notepad View raw

Shared snapshot

Mahal ka

Hindi alam paano ipaliliwanag ang nararamdaman Ni hindi alam kung ang mga ito din ba ay mapakikinggan O magiging isang hinanakit na kikimkimin nalang

Sa dami ng problemang dumadaan sating dalawa Hindi ko na alam pano ko pa isisingit ang aking nadarama na parang nagiging isang tanong nalang kung ito pa ba ay mahalaga?

Gusto ko lang maramdamang muli na ako ay may sandalan, Gusto kong maramdamang muli lahat tulad ng kung paano mo akong niligawan. Mga bagay na tila ba iyo ng nakalimutan, Mga bagay na hindi ko na mawari kung yun nga ba ay sa simula lamang.

Masaya naman ang relasyon nating dalawa, pero lahat ba ay maayos talaga? Ang hirap ng ganito na tila tiwala ay nasira na bawat oras ay punong puno nang pagdududa.

Mahal kita pero sana naaalala mo pa kung paano ka nung panahong tayo'y nagsisimula pa At sana alam ko padin kung paanong magtitiwala gaya nung una. Mahal kita pero sana hindi ako nagmumukang tanga Sana hindi ako magsawang mahalin ka gayong ngayo'y unti unting napapagod na.

Mahal kita.