kung ikaw ay nagiisa
at walang nakakaalala
wag mong kalimutan
na sya ay nariyan
tumawag ka at sya ay tutugon
kung ikaw ay nalulungkot
at ang buhay ay malumbay
wag mong kalimutan
na sya ay nariyan
syay nagbibigay ng kagalakan
kung ikaw ay naghihirap
at problema ay kay bigat
wag mong kalimutan
na sya ay nariyan
pasaning mabigat ay maiibsan
kung ikaw ay nasasaktan
at sa pagibig ay laging bigo
wag mong kalimutan
na sya ay nariyan
syay nagmamahal ng walang hanggan
wag mong kalimutan
na sya ay nariyan
sya ay si hesus magpakailanman